Alamin Ang Iyong Mga Pagpipilian sa Paggamot para sa COVID-19
Mas marami na ngayon ang pagpipilian ng mga pasyente sa paggamot sa pakikipaglaban kontra sa sakit na coronavirus. Inaprubahan ng U.S. Food and Drug Administration ang isang gamot para sa paggamot sa COVID-19 at pinahintulutan ang iba sa panahon na ito ng pampublikong emerhensiyang pangkalusugan. Bilang karagdagan, marami pang mga therapies ang sinusubok sa mga klinikal na pagsubok upang masuri kung sila ay ligtas at epektibo sa pagsugpo sa COVID-19.
Narito ang masusing pagtngin sa ilan sa mga magagamit na paggamot sa COVID-19 at kung paano makakakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa kanila at iba pa. Makipagusap sa iyong tagabigay ng pangangalagang pagkalusugan tungkol sa magagamit na mga pagpipilian sa paggamot kung mayroon kang COVID-19. Malalaman ng iyong tagapagbigay ang pinakamahusay na pagpipilian para sa iyo, batay sa iyong mga síntomas, panganib, at kasaysayan ng kalusugan.
Ano ang mga paggamot na maaring gamitin para sa COVID-19?
Inaprubahan ng FDA ang antiviral na gamot na Veklury (remdesivir) para sa mga may sapat na gulang at ilang mga pasyenteng pediatric na may COVID-19 na may sakit na kailangan nang mai-ospital.
Ang Veklury ay ibinibigay lamang sa ospital o sa setting ng pangangalagang pangkalusugan na may kakayahang magbigay ng matinding pangangalaga na maihahambing sa pangangalaga sa mga pasyente sa ospital. Sa panahon ng pampublikong emerhensiyang pangkalusugan, maaaring pahintulutan ng FDA ang paggamit ng mga hindi aprobadong gamot o hindi aprobadong paggamit ng mga aprobadong gamot sa ilalim ng ilang mga kundisyon. Tinawag itong Emergency Use Authorization (EUA). Ang mga produktong therapeutic na pinahintulutan sa ilalim ng isang EUA ay nakalista sa pahina ng EUA ng FDA. Ang mga produktong ito ay hindi kapalit ng pagbabakuna laban sa COVID-19.
Halimbawa, ang FDA ay naglabas ng mga EUA para sa ilang monoclonal antibody na paggamot para sa COVID-19 para sa paggamot, at sa ilang mga kaso ay pag-iwas (prophylaxis), ng COVID-19 sa mga nasa hustong gulang at pediatric na pasyente. Ang mga monoclonal antibodies ay mga molekulang gawa sa laboratoryo na kumikilos bilang mga kapalit na antibodies. Matutulungan nila ang iyong immune system na makilala at tumugon nang mas epektibo sa virus, na ginagawang mas mahirap para sa virus na magparami at magdulot ng pinsala.
Ang FDA ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga bumubuo, mananaliksik, tagagawa, National Institutes of Health, at iba pang mga kasosyo upang makatulong na mapabilis ang pagbuo at pagkakaroon ng mga therapeutic na mga gamot at biyolohikal na produkto upang maiwasan o gamutin ang COVID-19. Upang suriin kung ang isang gamot ay aprobado ng FDA, hanapin ang database ng mga aprobadong gamot sa pamamagitan ng pagbisita sa Drugs@FDA database.
Pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang mga gamot na naaprubahan na para sa iba pang mga kondisyong pangkalusugan bilang posibleng panggamot para sa COVID-19. Bilang karagdagan, nilikha ng FDA ang Coronavirus Treatment Acceleration Program (CTAP) upang gamitin ang bawat magagamit na paraan upang masuri ang mga bagong paggagamot at ilipat ang mga ito sa mga pasyente sa lalong madaling panahon.
Ano ang dapat kong gawin kung mayroon ako, o sa palagay ko mayroon akong COVID-19?
Ang Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit ay may mga rekomendasyon para sa mga taong may sakit sa COVID-19 o iniisip na maaaring mayroon silang COVID-19.
Sa pangkalahatan, ang karamihan sa mga tao ay may banayad na karamdaman at maaaring pagalingin sa bahay. Kung sa palagay mo ikaw ay nalantad sa COVID-19, ipagbigay-alam sa iyong doktor, subaybayan ang iyong mga sintomas, at agad na kumuha ng emerhensiyang pangangalagang medikal para sa mga emerhensiyang babala at palatandaan, tulad ng problema sa paghinga.
Kung sa palagay mo ikaw ay may COVID-19 at nangangailangan ng pagsusuri, makipag-ugnayan sa iyong tagabigay ng pangangalagang pangkalusugan, lokal na kagawaran ng kalusugan, o humanap ng lugar ng pagsubok sa inyong komunidad.
Paano ko maa-access ang mga paggamot na ito?
Depende sa iyong kasaysayang medikal, mga panganib, at sintomas, maaaring matulungan ka ng iyong tagapagbigay ng pangangalaga ng kalusugan na matukoy kung ang isang therapy na inaprubahan ng FDA, o magagamit sa ilalim ng isang EUA, ay angkop para sa iyo.
Ang mga sumusunod ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pag-access sa monoclonal antibody treatment para sa COVID-19:
- HHS Protect Public Data Hub – Therapeutics Distribution
- Tagahanap ng paggamot sa HHS: 1-877-332-6585 (Ingles), 1-877-366-0310 (Español)
- ASPR Bago at Kapansin-pansing COVID-19 Therapeutics
- National Infusion Center Association (NICA)
Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong estado ng kagawaran ng kalusugan para sa impormasyon ng paggamot.
Paano ako makikilahok sa isang klinikal na pagsubok na nauugnay sa COVID-19?
Makipag-usap sa iyong tagabigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa posibleng pagpapatala sa isang klinikal na pagsubok sa iyong lugar. Para sa impormasyon tungkol sa mga klinikal na pagsubok para sa paggamot ng COVID-19, bisitahin ang clinicaltrials.gov at ang COVID-19 Prevention Network.
Paano kung hindi alam ng aking kalusugang tagapangalaga ang tungkol sa mga pagpipiliang ito sa paggamot?
Ang impormasyon tungkol sa mga pagpipilian sa paggamot ay makikita sa web page ng Karaniwang Mga Tanong sa COVID-19. Para sa impormasyong partikular tungkol sa mga EUA, idirekta ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa pahina ng Emergency Use Authorization (EUA) ng FDA, kung saan magagamit ang mga fact sheet para sa mga tagapagbigay ng pangangalaga ng kalusugan sa mga awtorisadong paggamot. Ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay maaari ring makipag-ugnayan sa aming Division of Drug Information sa 301-796-3400 druginfo@fda.hhs.gov.
Maraming impormasyon online. Paano ko malalaman kung anong mga gamot ay ligtas?
Palaging suriin na ang iyong impormasyon ay mula sa isang pinagkakatiwalaang mapagkukunan. Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa anumang gamot, makipag-ugnayan sa, FDA Division of Drug Information sa 301-796-3400 o druginfo@fda.hhs.gov.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa COVID-19, bisitahin ang: