U.S. flag An official website of the United States government
  1. Home
  2. For Consumers
  3. Consumer Updates
  4. Bakit Hindi Ka Dapat Gumamit ng Ivermectin upang Gamutin o Maiwasan ang COVID-19
  1. Consumer Updates

Bakit Hindi Ka Dapat Gumamit ng Ivermectin upang Gamutin o Maiwasan ang COVID-19

Image
Combined image of a veterinarian inspecting a horse, and a doctor inspecting a patient.

English

COVID-19. Namumuhay tayo kasama nito na parang tila ba ito ay napakatagal ng panaho. Dahil sa bilang ng mga namatay na naganap mula sa sakit, marahil at hindi nakapagtataka na ang ilan sa mga mamimili ay tinitingnan ang di-karaniwang paggamot, hindi inaprubahan o pinahintulutan ng Food and Drug Administration (FDA).

Bagaman ito ay nauunawaan, mangyaring mag-ingat. Ang trabaho ng FDA ay para suriin ng mabuti ang siyentipikong data sa isang gamot upang matiyak na ito ay kapwa ligtas at epektibo para sa isang partikular na paggamit, at pagkatapos ay magpapasya kung aaprubahan ito o hindi. Ang paggamit ng anumang paggamot para sa COVID-19 na hindi inaprubahan o pinahintulutan ng FDA, maliban na lamang kung ito ay bahagi ng isang klinikal na pagsubok, ay lubhang mapanganib at maaaring maging sanhi ng malubhang pinsala.

Tila dumarami ang nagiging interesado sa gamot na tinatawag na ivermectin upang gamutin ang mga tao na may COVID-19. Ang Ivermectin ay madalas na ginagamit sa Estados Unidos upang gamutin o maiwasan ang mga parasito sa mga hayop. Nakatanggap ang FDA ng maraming ulat ng mga pasyente na nangangailangan ng suportang medikal at na-ospital pagkatapos ng paggamot sa sarili na may ivermectin na inilaan para sa mga kabayo.

Narito ang Kailangan Mong Malaman tungkol sa Ivermectin

  • Hindi inaprubahan ng FDA ang ivermectin para gamitin sa paggamot o pag-iwas sa COVID-19 sa mga tao. Ang mga tablet ng Ivermectin ay naaprubahan sa napaka tiyak na dosis para sa ilang mga parasitikong bulati, at mayroon din topical formula (sa balat), para sa mga kuto sa ulo at kondisyon sa balat tulad ng rosacea. Ang Ivermectin ay hindi isang anti-viral (gamot para sa paggamot ng mga virus).
  • Ang pag-inom ng malaking dosis ng gamot na ito ay mapanganib at maaaring maging sanhi ng malubhang pinsala.
  • Kung mayroon kang reseta para sa ivermectin para sa isang inaprubahang paggamit ng FDA, kunin ito mula sa isang lehitimong pinagmumulan at inumin ito nang eksakto tulad ng inireseta.
  • Huwag gumamit ng mga gamot na inilaan para sa mga hayop sa iyong sarili. Ang mga paghahanda ng Ivermectin para sa mga hayop ay ibang-iba sa mga inaprubahan para sa mga tao.

Ano ang Ivermectin at Paano ito Ginagamit?

Ang mga tableta ng Ivermectin ay inaprubahan ng FDA upang gamutin ang mga taong may intestinal strongyloidiasis at onchocerciasis, dalawang kundisyon na sanhi ng mga parasitikong bulati. Bilang karagdagan, ang ilang mga topical (sa balat) na mga anyo ng ivermectin ay aprubado upang gamutin ang mga panlabas na parasitiko tulad ng mga kuto sa ulo at para sa mga kondisyon ng balat tulad ng rosacea.

Ang ilang mga anyo ng ivermectin ay ginagamit sa mga hayop upang maiwasan ang sakit na heartworm at ilang mga panloob at panlabas na parasitiko. Mahalagang tandaan na ang mga produktong ito ay ibang-iba kumpara sa para sa mga tao, at ligtas gamitin bilang inireseta para sa mga hayop, lamang.

Kailan Maaaring Hindi Ligtas ang Pag-inom ng Ivermectin?

Hindi pa sinuri ng FDA ang data upang suportahan ang paggamit ng ivermectin sa mga pasyente ng COVID-19 upang gamutin o maiwasan ang COVID-19. Ang ilang paunang pananaliksik ay isinasagawa, ngunit hindi inaprubahan ng FDA ang gamot para sa paggamit na ito. Ang pag-inom ng gamot para sa isang hindi inaprubahang paggamit ay maaaring lubhang mapanganib. Ito ay totoo rin sa ivermectin.

Maraming maling impormasyon sa paligid, at maaaring narinig mo na okay na kumuha ng malalaking dosis ng ivermectin. Ito ay mali.

Maging ang mga antas ng ivermectin para sa aprubadong paggamit ay maaaring magkaroon ng reaksyon sa iba pang mga gamot, tulad ng blood-thinners. Maaari ka ring ma-overdose sa ivermectin, na maaaring maging sanhi ng pagduwal, pagsusuka, pagtatae, hypotension (mababang presyon ng dugo), mga reaksiyong alerdyi (pangangati at pantal), pagkahilo, ataxia (mga problema sa balanse), mga seizure, pagkawala ng malay at pagkamatay.

Ang Mga Produkto ng Ivermectin para sa Mga Hayop ay Magkaiba sa Mga Produkto ng Ivermectin para sa Mga Tao

Una sa lahat, ang mga gamot para sa hayop ay lubhang puro o matapang dahil ginagamit ito para sa malalaking hayop tulad ng mga kabayo at baka, na maaaring higit na mas mabigat ang timbang kaysa sa atin — isang tonelada o higit pa. Ang nasabing mataas na dosis ay maaaring maging labis na nakakalason sa mga tao.

Bukod dito, sinusuri ng FDA ang mga gamot hindi lamang para sa kaligtasan at pagiging epektibo ng mga aktibong sangkap, kundi pati na rin para sa mga hindi aktibong sangkap. Maraming mga hindi aktibong sangkap na matatagpuan sa mga produktong hayop ay hindi sinusuri para magamit sa mga tao. O kasama ang mga ito sa mas malaki ang dami kaysa sa ginagamit sa mga tao. Sa ilang mga kaso, hindi namin alam kung paano makakaapekto ang mga hindi aktibong sangkap kung paano nasisipsip ang ivermectin sa katawan ng tao.

Samantala, epektibo ang mga mabisang paraan upang malimitahan ang pagkalat ng COVID-19 ang patuloy na pagsuot ng iyong mask, manatili ng hindi bababa sa 6 na talampakan mula sa iba na hindi nakatira sa iyo, madalas na maghugas ng kamay, at umiwas sa maraming tao.

Consumer Updates Email

Subscribe to receive Consumer Updates email notifications.

Back to Top