U.S. flag An official website of the United States government
  1. Home
  2. For Consumers
  3. Consumer Updates
  4. Ligtas na Paggamit ng Hand Sanitizer
  1. Consumer Updates

Ligtas na Paggamit ng Hand Sanitizer

Image
Photos of mom applying hand sanitizer to child's hands and closeup on hand sanitizer dispenser

English

Panoorin ang video na "Ligtas na Paggamit ng Hand Sanitizer" sa ibaba.

Ang ilang mga hand sanitizer ay may potensyal na nakakalason na uri ng alkohol. Suriin ang listahan ng hindi gagamitin ng FDA sa www.fda.gov/handsanitizerlist upang matuto nang higit pa. Kailangan  ng agarang tulong? Tumawag sa 911 kung ang tao ay walang malay o nahihirapan huminga. Tumawag sa Poison Help sa 1-800-22-1222 upang makakonekta sa inyong lokal na sentro para sa lason.

Ang bawat isa sa atin ay makakatulong na mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID-19 sa pamamagitan ng paghuhugas ng ating mga kamay nang regular na sabon at tubig sa loob ng 20 segundo - lalo na pagkatapos ng pagpunta sa banyo, bago kumain, at pagkatapos umubo, bumahing, o suminga. Kung walang maaring magagamit na sabon at tubig, inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention na gumamit ang mga mamimili ng hand sanitizer  na nakabatay sa alkohol na naglalaman ng hindi bababa sa 60% na alkohol.

Ang alkohol sa hand sanitizer ay pinakamahusay na gumagana kapag kukuskusin mo ang hand sanitizer sa iyong buong mga kamay, tiyaking makakaabot ito sa pagitan ng iyong mga daliri at sa likod ng iyong mga kamay. Huwag punasan o banlawan ang hand sanitizer bago ito matuyo. Huwag gumamit ng hand sanitizer kung ang iyong mga kamay ay nakikitang marumi o mamantika; sa halip ay hugasan ang iyong mga kamay ng sabon at tubig.

Kung gumagamit ka ng mga sanitizer na nakabatay sa alkohol, pakiusap na mangyaring bigyang pansin ang impormasyon sa ibaba.

Ang Mga Hand Sanitizer ay Gamot

Ang mga hand sanitizer ay kinokontrol bilang mga gamot na over-the-counter (walang reseta) ng Administrasyong Pagkain at Gamot ng U.S. Kung ikaw ay gagamit ng hand sanitizer na nakabatay sa alkohol, basahin at sundin ang etiketa ng Drug Facts, lalo na ang seksyon ng babala.

Itago ang hand sanitizer sa lugar kung saan hindi ito maaabot ng mga alagang hayop at mga bata, at dapat gamitin lamang ito ng mga bata sa pangangasiwa ng mas nakakatanda.

Huwag inumin  ang hand sanitizer. Mahalaga ito lalo na sa mga bata, lalo na sa mga sanggol, na maaaring maakit ng kaaya-ayang amoy o matitingkad na kulay ng mga bote ng hand sanitizer. Ang kaunti lamang na pag-inom ng hand sanitizer ay maaaring maging sanhi ng pagkalason sa alkohol sa mga bata. (Gayunpaman, hindi na kailangang alalahanin kung kumain o nadilaan ng iyong mga anak ang kanilang kamay pagkatapos gumamit ng hand sanitizer.) Sa panahon ng coronavirus pandemic na ito, ang sentro ng kontrol sa lason ay nagkaroon ng pagtaas sa mga tawag tungkol sa hindi sinasadyang nakakain ng hand sanitizer, kaya mahalaga na sinusubaybayan ng mga nakatatanda ang paggamit nito ng mga bata.

Huwag pahintulutan ang mga alagang hayop na lunukin ang hand sanitizer . Kung sa iyong palagay ang iyong alagang hayop ay nakakain ng maaaring potensyal na mapanganib, tawagan kaagad ang iyong beterinaryo o ang  sentro ng kontrol ng lason sa alagang hayop.

Huwag Gumawa ng Sariling Hand Sanitizer

Bagaman maraming mga tindahan at parmasya ang nagbebenta nito, ay maaaring mahirap makahanap ng hand sanitizer sa ganitong panahon ng pangpublikong emerhensiyang pangkalusugan. Gayunpaman, hindi inirerekumenda ng FDA na gumawa ang mga mamimili ng sarili nilang mga hand sanitizer . Kung hindi tama ang pagkakagawa , maaaring hindi maging epektibo ang hand sanitizer - o mas lalong lumala pa. Halimbawa, mayroong mga ulat ng mga pagkasunog ng balat mula sa homemade hand sanitizer.

Gayundin, ang pagdaragdag ng alkohol sa hindi alkohol na hand sanitizer ay malamang na hindi magreresulta sa isang epektibong produkto. At ang paggamit ng disinfectant sprays o wipes sa iyong balat ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng balat at mata. Ang mga disinfectant sprays at wipes ay inilaan upang linisin ang mga ibabaw, hindi ito para sa mga tao o hayop.

Tumutulong ang FDA na madagdagan ang pagkakaroon ng mga hand sanitizer sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kumpanya at parmasya upang matugunan ang kakulangan ng suplay na ito. Kamakailan lamang ang FDA ay nakabuo ng mga dokumento ng gabay para sa pansamantalang paghahanda ng mga hand sanitizer ng ilang mga parmasyutiko at iba pang mga kumpanya sa panahon ng pang publikong emerhensiyang pangkalusugan sa COVID-19.

Ang mga hand sanitizer ay madaling alternatibo kapag ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon ay hindi posible. Maaari mong protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya mula sa coronavirus sa pamamagitan ng  simpleng kalinisan. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: Q&A para sa mga mamimili: Hand Sanitizers at COVID-19.

Tumawag sa iyong doktor kung nakakaranas ka ng  seryosong reaksyon sa  paggamit ng hand sanitizer. Ang mga propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan at mga pasyente ay hinihikayat na mag-ulat ng masamang mga kaganapan o mga masamang epekto na may kaugnayan sa paggamit ng mga produktong ito sa programa ng FDA MedWatch Safety Information at Adverse Event Reporting:

• Kumpletuhin at isumite ang ulat sa onlineExternal Link Disclaimer.

I-download ang form o tumawag sa 1-800-332-1088 upang humiling ng form ng pag-uulat, pagkatapos ay kumpletuhin at ibalik sa address na nasa form, o magsumite ng fax sa 1-800-FDA-0178.

Para sa karagdagang impormasyon sa coronavirus bisitahin ang:

• FDA: Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)

• CDC: Coronavirus (COVID-19)

Back to Top