U.S. flag An official website of the United States government
  1. Home
  2. For Consumers
  3. Consumer Updates
  4. Tumulong Upang Mapahinto ang Pagkalat ng Coronavirus at Protektahan ang Iyong Pamilya
  1. Consumer Updates

Tumulong Upang Mapahinto ang Pagkalat ng Coronavirus at Protektahan ang Iyong Pamilya

Image
Make a Difference Graphic_TAGALOG

English

Hinihiling ng pandemyang COVID-19 na tayo ay manatiling mapagbantay sa ating pang-araw-araw na buhay hanggang sa muli tayong ligtas na makabalik sa ating mga pang-araw-araw na gawain. Maaari nating gawin ang ilang mga simpleng hakbang upang makatulong sa pagbagal ng pagkalat ng sakit na coronavirus at protektahan ang ating mga sarili, ang ating mga pamilya, at ang ating mga komunidad.

Ang mga hakbang:

  1. Magpabakuna ng COVID-19.
  2. Maghugas ng iyong mga kamay ng madalas gamit ang simpleng sabon at tubig.
  3. Takpan ang iyong bibig at ilong  gamit ang mask kapag nasa paligid ng iba.
  4. Iwasana ang maraming tao at magsanay ng may pagitan sa karamihan (di bababa sa 6 na talampakan ang layo mula sa iba).

Narito ang ilang mga paraan upang ikaw at ang iyong pamilya ay makatutulong upang mapabagal ang pagkalat ng sakit na coronavirus. 

Tumulong Pigilian ang COVID-19 sa pamamagitan ng Pagpapabakuna

Pinahintulutan ng U.S. Food and Drug Administration ang ilang mga bakuna sa COVID-19 para sa emerhensiyang paggamit.  Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga bakuna sa COVID-19 ay epektibo at maiiwasan mo ang pagkakaroon ng COVID-19. Ang pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine ay makatutulong din sa iyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng malubhang sakit kahit na magkaroon ka man ng COVID-19.

Ang pagbabakuna ng COVID-19 ay isang mahalagang paraan upang makatulong tayo na makabalik sa normal. Alamin ang iba pa tungkol sa mga benepisyo ng pagbabakuna at kung paano makakuha ng bakuna.

Maghugas ng Iyong mga Kamay

Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang karamdaman ay dapat iwasan na malantad (o mailantad sa iba) sa virus na ito. Una, magsanay ng simpleng kalinisan. Regular na maghugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo - lalo na pagkatapos ng pagpunta sa banyo, bago kumain, at pagkatapos ma-ubo, pagbahing, o pagsinga. Alamin kung paano maghugas ang iyong mga kamay upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus at iba pang mga karamdaman.

Kung walang maaaring magagamit na sabon at tubig, inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention na gumamit ang mga konsumer ng mga sanitizer na nakabatay sa alkohol na naglalaman ng hindi bababa sa 60% porsyento ng etanol (kilala rin bilang ethyl alkohol).

Patuloy na binalaan ng FDA ang mga konsumer tungkol sa mga hand sanitizer na naglalaman ng methanol, na tinatawag din na wood alkohol. Ang methanol ay nakakalason at hindi dapat gamitin sa hand sanitizer. Kapag nasipsip ito ng balat o nalunok, ang methanol ay maaaring maging sanhi ng malubhang problema sa kalusugan, tulad ng seizure at pagkabulag, o kahit kamatayan/pagkamatay.

Bago ka bumili ng hand sanitizer o gumamit ng mayroon ka na sa bahay, suriin ang listahang ito upang makita kung ang hand sanitizer ay posibleng may methanol. Karamihan sa mga hand sanitizer ay napagalaman na naglalaman ng methanol at hindi ito nakalista bilang isang sangkap sa label (dahil hindi ito katanggap-tanggap na sangkap sa produkto), kaya't mahalagang suriin ang listahan ng FDA upang malaman kung kasama ang kumpanya o produkto. Magpatuloy na suriin ang listahang ito nang madalas, dahil regular itong ina-update.

Pinalawak din ang listahan ng FDA upang isama ang mga hand sanitizer na naglalaman ng iba pang mga mapanganib na sangkap at produkto na may mas mababa sa kinakailangang halaga ng aktibong sangkap.

Pinayuhan ng FDA ang mga konsumer na huwag gumamit ng mga hand sanitizer na ginawa ng mga tagagawa na nakilala sa listahan. Alamin kung paano hanapin ang iyong hand sanitizer sa listahan at kung paano ang ligtas na paggamit ng hand sanitizer.

Magsuot ng Mask at Iwasan ang Maraming Tao

Iwasan ang maraming tao at ang mga lugar na walang gaanong bentilasyon. Iwasan ang malapit na pakikipag-ugnay (manatili ng hindi bababa sa 6 na talampakan, o halos dalawang braso, ang layo) sa mga taong hindi nakatira sa iyo, kahit na hindi sila mukhang may sakit, sa parehong  loob at labas na mga espasyo. Ang ilang mga tao na walang sintomas ay maaaring maikalat ang coronavirus.

Ang CDC ay nirerekomenda ang pagsusuot ng mask - hindi N95 respirator - sa publiko, lalo na kapag ang iba pang mga hakbang ng may pagitan mula sa kapwa-tao ay mahirap panatilihin (halimbawa, sa mga grocery store at parmasya).

Epektibo sa  Peb. 2, 2021, kinakailangan ang mga mask sa mga eroplano, bus, tren, at iba pang mga uri ng pampublikong transportasyon na bumibiyahe, sa loob o labas ng Estados Unidos at sa mga sentro ng transportasyon ng Estados Unidos tulad ng mga paliparan at istasyon.

Ang pagsusuot ng mga mask sa publiko ay maaaring makatulong na mapabagal ang pagkalat ng virus. Makatutulong ang mga ito na panatilihin ang mga taong maaaring may virus at hindi alam ito mula sa paglipat nito sa iba sa pamamagitan ng pagtulong na maiwasan ang mga respiratory droplets mula sa paglalakbay nito sa hangin at papunta sa ibang tao kapag ikaw ay umubo, bumahing, o makipag-usap.

Alamin kung paano protektahan ang iyong sarili at ang iba mula sa coronavirus. At kung ikaw ay ganap nang nabakunahan, gawin ang mga pag-iingat na ito upang maprotektahan ang iyong sarili at ang iba.

Ang mga N95 ay dapat na nakalaan para magamit ng mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan, mga unang tagatugon, at iba pang mga mangaggawang frontline na ang mga trabaho ay naglalagay sa kanila sa mas malaking peligro na mahawahan ng COVID-19

Magbigay/Magdonate ng Dugo at Plasma

Ang pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo ay mahalaga sa kalusugan ng publiko. Ang mga nagbibigay ng dugo ay tumutulong sa mga pasyente ng lahat ng edad at uri - aksidente at ang mga biktima ng pagkasunog, operasyon sa puso at mga pasyente ng transplant ng organ, at ang mga nakikipaglaban sa kanser at iba pang mga kondisyon na nagbabanta sa buhay. Tinantya ng American Red Cross na sa bawat dalawang segundo isang tao sa U.S. ay nangangailangan ng dugo.

Kung ikaw ay malusog at maayos ang pakiramdam, makipag-ugnayan sa lokal na sentro ng donasyon upang makipag-appointment. Ang mga sentro ng donasyon ay gumagawa ng mga hakbang upang matiyak na ligtas ang donasyon.

Ang mga taong ganap nang gumaling mula sa COVID-19 ay hinihimok na isaalang-alang ang pagbibigay ng plasma, na maaaring makatulong na mailigtas ang buhay ng iba pang mga pasyente ng COVID-19. Ang mga pasyente ng COVID-19 ay nagkakaroon ng mga antibodies (protina na maaaring makatulong na labanan ang impeksyon) sa kanilang dugo. Alamin ang iba pa tungkol sa pagbibigay ng COVID-19 convalescent plasma, na maaaring magamit upang gamutin ang mga pasyente na na-ospital, lalo na ang mga may malubhang kaso ng sakit.

Iulat ang Pandaraya ng mga Pagsubok sa COVID-19, mga Bakuna at mga Paggamot

Ang ilang mga tao at kumpanya ay nagbebenta ng mga produktong may mapanlinlang na diyagnostik na COVID-19, pag-iwas, at pag-angkin sa paggamot. Ang mga mapanlinlang na produkto ng COVID-19 ay maaaring magkaroon ng maraming iba't-ibang uri, kabilang ang mga produktong ipinagbibili bilang suplemento sa pagkain o iba pang mga pagkain, pati na rin mga produktong inaangkin na mga pagsubok, iba pang mga aparatong medikal, mga gamot, o mga bakuna. Sa ngayon, isang paggamot lamang ang inaprubahan ng FDA para sa COVID-19, at pinahintulutan ang iba pang emerhensiyang paggamit sa panahong ito ng pangpublikong emerhensiyang pangkalusugan.

Ang pagbebenta ng mga mapanlinlang na produkto ng COVID-19 ay isang banta sa kalusugan ng publiko. Maaari kang tumulong sa pamamagitan ng pag-uulat ng hinihinalang pandaraya sa Health Fraud Program ng FDA o sa Office of Criminal Investigations. Maaari ka ring mag-email sa [email protected].

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa isang paggamot o pagsubok na ibinebenta online, makipag-usap muna sa iyong tagabigay ng pangangalagang pangkalusugan o doktor. Kung mayroon kang katanungan tungkol sa isang gamot, tawagan ang iyong parmasyutiko o ang FDA. Sasagutin ng Division of Drug Information (DDI) ng FDA ang halos anumang katanungan ukol sa gamot. Ang mga parmasyutiko ng DDI ay magagamit sa pamamagitan ng pag-email sa, [email protected], at sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, 1-855-543-DRUG (3784) at 301-796-3400.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19, bisitahin ang:

 

Back to Top